Nagbibisikleta, patay nang masagasaan ng Mayor sa Laguna

TODAS ang 40-anyos na construction worker nang masagasaan ng alkalde sa Laguna habang nagbibisikleta, Sabado ng gabi.

Nabatid mula kay Sta. Cruz, Laguna Police Chief Lt. Col. Chitadel Gaoiran, hindi na umabot ng buhay sa Laguna Medical Center ang biktimang si Vonn Delos Santos dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Pila, Laguna Mayor Edgardo Ramos, 58-anyos, ang kanyang SUV patungong Barangay Pagsawitan at nasa katulad ding direksyon ang nagbibisikletang si Delos Santos.

Gayunaman, bigla umanong kumabig pakaliwa ang biktima at hindi na agad nakapreno at nakaiwas ang alkalde kaya’t nasalpok si Delos Santos.

Sinasabing hindi na magsasampa ng reklamo ang pamilya ng biktima at nagkasundo umano na aayusin na lang ang usapin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.