NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga nasawi gayundin ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan ng Bataan.
Ayon kay Bataan Governor Albert Garcia, batay sa iniulat sa kanya ng Bataan Provincial Health Office ay isa ang panibagong nasawi sa virus infection habang 28 ang bagong kaso ng COVID-19 sa probinsiya.
Dahil dito, umabot na sa 2,197 ang bilang nagpositibo sa COVID-19 kung saan 683 ang active cases o nagpapagaling pa rin at 36 na ang namatay.
Sa mga gumaling o recovered cases naman ay nasa 100 ang mga bagong gumaling kaya’t umakyat na sa 1,478.
Sa mga bagong nagpa-test, 231 ang nag-negatibo habang 319 ang pending o naghihintay pa ng resulta.