Breaking News

Share this information:

ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Special Task Force (NBI-STF) ang isang indibidwal  sa Taguig City dahil sa iligal na pagbebenta ng stickers ng mga ahensiya ng gobyerno.

Ang naarestong suspek ay kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric Distor na si Leon Cruz, III.

Ayon kay Distor, nakatanggap ang ahensiya ng impormasyon ukol sa pagbebenta ng mga government stickers sa online ng walang pahintulot.

Kabilang sa mga stickers na ito ang Presidential seal, NBI seal, seal ng Bureau of Customs, Philippine Coast Guard at iba pa gamit ang pangalan na Carstickers.ph, Jammilkteasupy at @leonc.cruziii.

Nagsagawa naman ng imbestigasyon ang NBI-STF sa nasabing mangangalakal at nabunyag ang isang Leon Cruz, III na taga Bambang, Taguig City.

Nang maisagawa ang transaksiyon sa pagitan ng suspek at poseur buyer mula sa NBI-STF at makumpirma ang kinaroroonan nito, hindi na nag-atubili pa ang mga operatiba ng ahensiya na arestuhin ang suspek.

Kasalukuyan nang nakakulong sa NBI detention facility si Cruz na nahaharap sa kasong paglabag sa E.O. 141 s.1999. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: