INARESTO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) Human Trafficking Division o HTRAD ang isang indibidwal dahil sa pagbebenta ng bata na ginagawa online sa Paranaque City.
Ayon kay NBI Director Judge Jaime Santiago (Ret.), nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Department of Justice – Inter-Agency Council Against Trafficking – NBI CyberTip Center (DOJ-IACAT-NBI Cybertip) hinggil sa isang Christina Paule na di-umano’y nagbebenta ng bata sa Facebook.
Bunsod nito, isinagawa ng entrapment at rescue operation ang NBI, sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD-NCR), DOJ-IACAT-NBI CyberTip, at suporta mula sa NGO partner Exodus Road Philippines, at mga operatiba ng HTRAD na nagresulta sa pagkakaaresto kay Maria Christina Paule y Alontave, kung saan naaktuhan na nagbebenta online ng isang sanggol na anim na araw pa lamang ang edad.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Child Trafficking (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act), na nauugnay sa Cybercrime Prevention Act of 2012 at paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 1998.
Ang ni-rescue na baby ay nai-turnover na sa DSWD-NCR.