Na-exposed sa COVID-19: Garin, “no show” sa kanyang arraignment sa QC RTC

IN PHOTO: Nagsagawa ng pagkilos-protesta sa harap ng Quezon City Hall of Justice sa pangunguna ni Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) President Boy Evangelista (gitna) kasama ang mga magulang ng mga anak na namatay dahil sa “dengvaxia” vaccine, partikular sa gusali kung saan dinidinig ang kaso ni dating health Secretary at Iloilo Representative Janette Garin matapos hindi makasipot dahil umano sa pagkaka exposed nito sa COVID-19.(JEFF TUMBADO)

Hindi sumipot si dating Health Secretary na ngayon ay Iloilo 1st District Representative Janette Garin sa kanyang itinakdang arraignment sa sala ni Presiding Judge Jose Lacambra-Bautista ng Regional Trial Court (RTC) Branch 107 sa Quezon City kaninang hapon.

Batay sa naging salaysay ng isa sa mga legal counsel ni Garin sa kalagitnaan ng diskusyon sa korte, na-exposed umano ang mambabatas sa coronavirus disease o COVID-19 kung kayat minabuting hindi na muna nito sinipot ang pagbasa ng kanyang sakdal.

Sa kasalukuyang pagdinig sa kaso, pinapasumite ng korte ang legal counsel ni Garin ng kanyang medical certificate.

Nagkaroon naman ng mosyon ang defense lawyers ng mga akusado at hiniling na ma “defer” o ma postpone ang pagbasa ng sakdal dahil may “motion for reconsideration” pa umano sila sa korte suprema sa issue ng “jurisdiction” dahil may “ruling” na ang SC na sa RTC Family Court na dapat ang magdidinig ng dengvaxia cases.

Subalit ayon kay Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) President and spokesperson Boy Evangelista, matatagalan pa umano ang magiging kalalabasan sa pagbasa ng sakdal kay Garin dahil nasa mahigit 40 ang respondents sa naturang kaso.

“On going pa, kaya ang tingin ko matatagalan pa ito kasi every counsel binibigyan ng panahon para sa kani kanilang kliyente. So, it will take time, iniisa isa yon ng mga consel kaya matagal yan,” saad ni Evangelista.

Samantala, masama naman ang loob ng mga magulang ng namatayan na nagsagawa ng kilos-protesta sa harap ng gusali ng justice hall sa hindi pagsipot ni Garin sa kanyang pagdinig sa korte.

“Syempre po, masamang masama ang loob naming dahil hindi siya sumipot, puro abogado ang dumating, wag nyo idahilan ang covid, gumagawa lang kayo ng dahilan, kapag kayo ang ininterview, tinatawanan nyo lang kaming mga magulang, nasan ang tapang mo at hindi mo kami hinaharap secretary garin? Ikaw ang gusto naming makausap hindi mga abogado mo,” pahayag ng isa sa mga magulang ng biktima ng dengvaxia.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.