‘Motorista ginagatasan ng DOTr, LTO sa PMVIC’ – VACC

Share this information:

IN PHOTO: SABAY na nag ‘thumbs-down” (mula ikatlo sa kaliwa) sina Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) President and Spokesman Arsenio “Boy” Evangelista; Dr. Larry Pitpit, Pangulo ng Clean Air Movement Philippines Inc. (CAMPI) at Danilo Yumul, Pangulo ng Confederation of Passenger Transport in Central Luzon (CPTCL), bilang pagtuligsa sa kawalan ng aksyon ni DOTr Secretary Arthur Tugade sa kanilang hinaing na ipatigil muna ang Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVIC) na naitatag na sa ilang bahagi ng bansa na siyang dagdag-pasakit sa bawat motorista

MALIWANAG na umanoy may malawakang “kurapsyon” sa pagkakatatag ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) sa monopolyong Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVIC) na sinimulan na nitong Disyembre 29, 2021 na siyang dagdag-pasakit sa mga motorista na nagmamay-ari ng mga sasakyan sa buong bansa.

Ito ang ipinahayag ni Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) President at Spokesman Arsenio “Boy” Evangelista kaninang umaga sa ipinatawag na pulong balitaan sa Quezon City matapos ang isinagawang ‘noise barrage’ ng grupong Clean Air Movement Philippines Inc. (CAMPI) at Confederation of Passenger Transport in Central Luzon sa ilang pangunahing lansangan sa lungsod.

Ayon kay Evangelista, ginagawang ‘gatasan’ ng dalawang ahensya ang mga motorista dahil sa kinakailangan umanong dumaan pa sa PMVIC kung ire-rehistrong muli ang sasakyan sa kabila ng mayron ng kasalukuyang emission testing centers.

Kabilang sa isasailalim sa PMVIC ay ang mga sasakyan na hindi lalagpas sa 4500 kilos, kasama din ang mga motorsiklo.

“If there is no public consultation, there is corruption. So we are calling all concerned agencies as well as the head of agencies to please have transparency, let us show our resistance not against roadworthiness, but against compliance that is prone to corruption. We are one in supporting this, let us study this first and soon, if the objective is okay and good, we will support it for as long as there is transparency and no corruption. Proper consultation is needed,” sambit ni Evangelista.

Ayon naman kay Dr. Larry Pitpit, pangulo ng Clean Air Movement Philippines Inc (CAMPI), isang malaking pahirap na naman umano sa maraming motorista ang mga naunang itinatag na PMVIC na sinimulan sa Angeles City, Pampanga at Cabanatuan City sa Nueva Ecija, at ngayon ay mayroon na rin sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Dagdag pa ni Pitpit, ipinatupad ang PMVIC ng walang ginawang pag-amyenda ng Republic ACT 8749 o ang the Philippine Air Act at ang mas pinakamatindi ay hindi umano ito idinaaan sa public consultation kaya malinaw na ito ay maituturing na korapsyon.

“The DOTr through the LTO has pushed through with the PMVIC signed its effectivity on Dec. 29,2020 amid the COVID-19 pandemic. More or less 12,000 individuals in the private emission testing centers are gradually losing their jobs,” giit ni Pitpit.

Kasabay nito ay nakatanggap na umano ng mga reklamo ang CAMPI mula sa mga motorista na hindi nakapag-parehistro gaya ng isang well-maintained 2014 BMW Z4 sports car dahil umano sa ‘weak brakes’ matapos na makapagbayad ng P1,800 bilang PMVIC fee sa Pampanga.

The owner and known Pampanga business leader, Rene Romero took his car to the BMW dealership in San Fernando City to check on the brake system. After thorough inspection, the BMW mechanics did not find anything wrong with it,” paliwanag pa ng Clean Air Act Advocate.

Pinag-aaralan na rin ng grupo kasama ang VACC ang paghahain ng Temporary Restraining Order (TRO) sa ipinatutupad na PMVIC.

Nabatid naman kay Danilo Yumul, Pangulo ng Confederation of Passenger Transport in Central Luzon, ilang beses na rin umano sila nagtangkang lumapit kay DOTr Secretary Arthur Tugade para sana magkaroon ng dayalogo kaugnay ng usapin subalit ilang beses na rin silang tinanggihan nito. Maging sa kongreso kung saan nagkaroon na sila ng unang pagdinig sa pamamagitan ni Committee on Transportation Chair Rep. Edgar Mary Sarmiento patungkol sa isyu subalit hindi na ito nasundan pa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

144 close contacts ng UK Variant na nagpositibo sa Mountain Province, tukoy na

Mon Jan 25 , 2021
NATUKOY na ng Department of Health (DOH) ang 144 pang close contacts ng isang UK variant positive sa Bontoc, Mountain Province. Pero agad nilinaw ni Health Under Secretary Maria Rosario Vergeire na ang kababayan na nagpostibo sa bagong variant ng coronavirus ay nagnegatibo nang dumating sa bansa. Base aniya sa […]

Follow Us

%d bloggers like this: