144 close contacts ng UK Variant na nagpositibo sa Mountain Province, tukoy na

Share this information:

NATUKOY na ng Department of Health (DOH) ang 144 pang close contacts ng isang UK variant positive sa Bontoc, Mountain Province.

Pero agad nilinaw ni Health Under Secretary Maria Rosario Vergeire na ang kababayan na nagpostibo sa bagong variant ng coronavirus ay nagnegatibo nang dumating sa bansa.

Base aniya sa timeline ng kanyang aktibidad, nagkaroon ito ng mga selebrasyon bago nakaramdam ng simtonas at nagpostibo sa UK variant noong December 29.

Ayon kay Vergeire, mula sa 144 close contacts, mayroon karagdagang 34 na nagpostibo sa Covid-19 ngunit negative sa UK variant.

Dagdag pa ni Vergeire, nakitaan na rin ng 3 clusters ng infection sa nasabing lugar dahil na rin sa ginagawang contact tracing efforts ng DOH.

Ayon pa kay Vergeire, nakitaan ng pagkakahawaan sa lugar at nakita na rin ang pinagmulan ng virus pero dipa aniya definite o sigurado at kailangan pa i-backtrack at tinitingnan pa kung may lumabas ng bansa at bumalik sa nasabing lugar.

Sa kaso naman sa La Trinidad Benguet ay 97 close contacts na mula sa first and second generation ang mga natukoy kung saan apat naman ang nagpostibo habang ang iba ay negatibo sa Covid-19 na ngayon ay kasalukuyang naka-isolate.

Habang ang dalawa pang OFWs ng Lebanon na taga Iloilo ay natunton na umano ng DOH at ang taga Binangonan ay biniberipika  pa  ng regional office ng DOH  habang  sa Calamba Laguna ay nagsasagawa na ng inisyal na imbestigasyon. (With reports from JONAH AURE)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

DA urges Duterte to impose price cap

Mon Jan 25 , 2021
NOT even a price freeze was able to stop the prices of pork chicken, beef and vegetables from going up and for that reason the Department of Agriculture (DA) has sought for President Rodrigo Duterte to sign the draft executive order imposing price caps on the commodities in the market. […]

Follow Us

%d bloggers like this: