Motorcycle taxis puwede nang bumiyahe ulit – IATF

Share this information:

PINAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagpapatuloy ng biyahe ng mga motorcycle taxi.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagbigay ng go-signal ang IATF kasunod ng rekomendasyon na rin ng House Committee on Transportation na maibalik ang operasyon ng mga kumpanya ng motorcycle taxi tulad ng Angkas, Joyride at Move It.

Hinihintay na lamang ang guidelines mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

“Mabuting balita po iyan kasi pupuwede naman tayong mag Angkas o mag Joyride,” ani Roque.

Nauna na ring tiniyak ng ilan sa mga motorcycle taxi operator na sinanay ang kanilang partner-drivers ng tamang mag-disinfect ng mga sasakyan sa kada biyahe at ang inihahandang paggamit ng cashless payment schemes, barrier at hindi hiraman ng helmet.

Una nang napaso nuong Abril ng kasalukuyang taon ang pilot study ng gobyerno patungkol sa pagpayag na magamit ang motorcycle taxi bilang alternatibong transportasyon sa harap na rin ng problema sa daloy ng trapiko lalo na sa Metro Manila at iba pang lungsod.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.