Most Wanted Person ng MPD, timbog sa Maynila

ISANG lalaki na matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad at itinuturing na Most Wanted Person dahil sa pagkakasangkot nito sa sanga-sangang mga kaso ang sa wakas ay nahulog sa kamay ng batas.

Kinalala ang suspek na si Jimmy Empleo y Cacal, 46 anyos, may asawa, at residente ng Quintin Paredez St., Binondo.

Si Cacal na sangkot sa kasong murder at frustrated murder at Number 1 sa talaan ng Most Wanted Person ay nasakote ng mga operatiba ng  Manila Police District (MPD) kasama ang ilang tauhan ng 4th Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion ng National Capital Regional Office Police Office (NCRPO) sa panulukan ng Juan Luna at Rentas St. sa Binondo.

Bitbit ng mga pulis ang isang arrest warrant na inisyu ni Hon. Virgilio Valdez Macaraeg, Presiding Judge ng Manila Regional Trial Court Branch 37 ng Manila.

Pinuri naman ni MPD Director P/Brig. Gen. Leo Francisco ang kanyang mga tauhan partikular sa MPD-Station 11 dahil sa mabilis na aksyon sa pagdakip kay Cacal.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.