MMDA enforcer nagbigti sa Malabon

Share this information:

NAGPASYANG magpakamatay sa pamamgitan ng pabigti sa sarili ang isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Malabon City.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, nadiskubre ang wala nang buhay na katawan ng 59-anyos na biktima ng kanyang nakababatang kapatid na lalaki na nakabigti gamit ang lubid na nakapulupot sa kanyang leeg habang ang kabilang dulo nito ay nakatali naman sa beam ng kisame ng kanilang bahay sa No. 10 Eusebio St. Brgy. Baritan dakong alas-6:20 ng umaga.

Agad humingi ng tulong ang kapatid ng biktima sa mga opisyal ng barangay at kalaunan ay ini-report ang insidente sa Malabon Police Sub-Station-7.

Nauna rito, napag-alaman ng pulisya na nakita ng kanyang bayaw ang biktima na may inaayos na lubid na naging dahilan upang tanungin niya ito ng “May hihilahin ba kayo Kuya.”

Sa pahayag ng 51-anyos na asawa ng biktima at empleyado ng Port of Manila kay police homicide investigator P/Cpl. Rocky Pagindas, ang kanyang mister ay dumaranas umano ng pagkabalisa at depresyon dahil sa malalang sakit.

Gumawa din siya ng waiver for investigation at sinabi sa pulisya na hindi na sila interesado sa isasagawang autopsy dahil naniniwala sila na walang foul play na naganap sa pagkamatay ng kanyang asawa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.