Breaking News

Share this information:

PATAY ang myembro ng isang rebeldeng grupo sa naganap na engkwentro sa pagitan ng militar at Sandatahang Yunit Propaganda (SYP) sa Sitio Pintong Bakal, Brgy. Pinulot, Dinalupihan, Bataan pasado ala una ng hapon nitong Sabado.

Ayon sa inisyal na ulat mula sa Dinalupihan PNP, isa ang killed in action sa panig ng mga rebelde at hindi pa nakikilala sa ngayon habang wala namang casualty sa panig ng tropa ng gobyerno na pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP). 

Ayon kay Dinalupihan PNP chief, Police Lt. Col. Emelito Dela Cruz, nakuha sa encounter site ang isang long firearm, isang handheld radio at isang bandolier.

Tinatayang nasa 20 myembro ng SYP Platoon ng Komiteng Larangang Gerilya KLG West South Party Committee (SPC) ang naka-engkwentro ng 21 miyembro ng strategic air command ng AFP habang nagsilbing blocking force ang PNP 21st Special Action Company.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: