Kelot, tiklo sa P4.7-M shabu sa Navotas

Share this information:

ISANG lalaki na hinihinalang tulak ng iligal na droga ang laglag sa kapulisan ng Navotas City matapos masamsam mula dito ang tinatayang nasa P4.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Saipoden Guinal, alyas “Saipo,” 31 anyos, ng RM 16 4th FLR, New Barter Trade., Brgy. 383 Quiapo, Manila.

Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Jose Hidalgo Jr., dakong alas-8:07 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Genere Sanchez, kasama ang Station Intelligence Section sa pangunguna ni PLt. Luis Rufo ng buy-bust operation kontra sa suspek sa kahabaan ng C4 Road., Brgy. BBN.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makapagtransaksyon sa suspek ng P39,000 halaga ng droga at nang tanggapin nito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng shabu ay agad sinunggaban ng mga operatiba si Guinal.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang nasa 700 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P4,760,000 at buy-bust money na binubuo ng 4 na tunay na P1,000 bills at 35 pirasong P1,000 boodle money.

Kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Navotas City Prosecutors Office.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.