Mga walang vaccination card, hindi pasasakayin sa public transport – DOTr

Share this information:

IPINAG-UTOS na ni Department of Transportation (DOTr) secretary Arthur Tugade ang pagpapairal ng “no vaccination – no ride, no entry policy” sa mga pampublikong transportasyon sa National Capital Region o NCR.

Ayon kay Tugade, ipatutupad ang no vaccination – no ride, no entry policy sa pampublikong transportasyon habang nakataas ang Alert Level 3 sa NCR o depende sa magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Sinabi ng kalihim na magiging epektibo ang department order sa sandaling mailathala na ito sa Official Gazette o sa pahayag sa may general publication, at makapagsumite ng kopya sa Office of the National Administrative Register – UP Law Center.

Nakapaloob sa kautusan ang pag-aatas sa lahat ng mga ahensya at tanggapan ng DOTr na tiyakin na sumusunod ang mga operator ng mga pampublikong sasakyan na ang bibigyan lang ng ticket o pasasakayin ay pawang fully vaccinated na indibidwal.

Kailangang ipakita ang vaccination ID o digital copy ng vaccination ID o anumang IATF-prescribed document kasama na ang isang valid ID.

Nakasaad din sa kautusan ang paglilinaw na ang fully vaccinated ay ang nakatanggap ng dalawang dose ng bakuna.

Kabilang naman sa mga exempted sa kautusan ay ang mga sumusunod:

– Person with medical conditions na mayroong duly signed medical certificate na may pangalan at contact details ng kanilang doktor.

– Bibili ng kanilang essential goods at serbisyo gaya ng pagkain, tubig, gamot, medical devices, public utilities, energy, medical at dental necessities, bitbit ang isang barangay health pass o iba pang patunay ng kanilang pagbiyahe.

Ang sinumang hindi susunod na operator ay ituturing na paglabag sa general safety and health provisions sa ilalim ng service agreements, authority o permit to operate ng pampublikong transportasyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

57 DILG employees test positive for COVID-19

Wed Jan 12 , 2022
A TOTAL of 57 employees of the central office of the Department of the Interior and Local Government (DILG) tested positive for COVID-19. During the Laging Handa briefing in Malacañang, DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya that the figure represents five percent of the DILG’s more than 1,100 employees. Majority […]
%d bloggers like this: