Mga vendors sa pampublikong palengke sa Maynila, isasalang sa swab test

Share this information:

Isasalang sa swab testing sa susunod na mga araw ang mga vendors ng nasa 17 pamilihang bayan ng Maynila para sa ikalawang RT-PCR molecular laboratory sa Sta. Ana Hospital.

Ito ay ayon kay Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang Facebook post ngayong araw ng Lunes, September 14.

“Ito ay para lalong matiyak na ligtas ang ating mga mamimili sa ating mga public market sa sakit na COVID-19,” saad ni Yorme sa Facebook post nito.

Inatasan na ni Moreno ang Manila Health Department sa pangunguna ni Dr. Arnold Pangan at maging sina Dr. Grace Padilla, Director ng Sta. Ana Hospital at Zenaida Mapoy, ang Market Administrator kaugnay ng naturang hakbang.

“We test them so we can guarantee the people that those selling inside our markets are safe individuals. Sila ang una nating kliyente. Unahin natin lahat sa palengke. Matutuwa pa ang vendor, hindi gagastos ng P4,000, makakatipid na sila, panatag na sila, ‘yung consumer natin panatag din,” pahayag ng alkalde sa isinagawang pagpupulong sa mga opisyal ng syudad.

Tatapusin ang swab testing sa mga tindero sa mga palengke ng syudad at isusunod dito ang mga drivers ng pedicab, tricycle at jeepney at gayundin ang mga taga katay ng hayop o meat butchers.

“Isusunod din natin agad sa mass testing gamit ang gold standard ng COVID-19 testing ang mga tsuper ng pedicab, tricycle, at pampasaherong jeep, pati na ang mga matansero,” pagtatapos ni Moreno.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.