Mahigit 200 kadete at personnel ng PNPA, nagpositibo sa COVID-19

Share this information:

UMAABOT na sa kabuuang 232 na mga kadete at 11 personnel ng Philippine National Police (PNPA) ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa paunang impormasyon mula kay Police Lieutenant Colonel Byron Allatog, tagapagsalita ng PNPA, nasa ilalim na ng mahigpit na monitoring sa limang isolation facilities nito ang mga nagpositibo sa virus infection.

Tatanggap ng 11,000 Vitamin C capsules ang mga naturang kadete sa loob ng 14 araw.

Maliban dito, mayruon na ring nagdonate ng 10,000 facemasks at 1,000 face shield sa PNPA pati na ang mga laboratory gown, 15 thermal scanner, dalawang oxygen tanks, at mga gamot.

Tinitiyak naman ni PNPA director Police Major General Gilberto Cruz na magiging maagap ang kanilang pagresponde at pagprotekta sa kanilang mga kadete laban sa COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.