Breaking News

Share this information:

NAGPAHAYAG ang Philippine Coast Guard (PCG) na ang lahat ng kanilang mga units ay naka-heightened alert na dahil sa bagyong Lannie.

Partikular na nakabantay ngayon sa sitwasyon ng panahon ang PCG units sa Northeastern Luzon, Southern Tagalog, Bicol region, Caraga region, Palawan, at Visayas.

In-activate na rin ng PCG ang deployable response groups (DRGs) at quick response teams (QRTs) para magbigay ng tulong sa pagsasagawa ng evacuation at rescue operations, lalo na sa mga babahaing lugar.

Patuloy namang pinapaalalahanan ng PCG ang mga mangingisda at coastal residents na iwasan magtungo sa dagat kapag masama ang panahon para na rin sa kanilang kaligtasan.

Aktibo ring makikipagtulungan ang PCG sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Councils (PDRRMCs) upang matiyak ang kaligatasan  at buhay ng tao sa gitna ng kalamidad. 

Samantala, ang PCG Auxiliary (PCGA) ay inatasan na rin na maghanda para sa relief operations sa mga lugar na higit na maapektuhan ng nabanggit na tropical depression.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: