Breaking News

Share this information:

NAHARANG ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark Airport ang apat na kababaihan na Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagpakita ng mga travel documents na taliwas sa kanilang tunay na  edad.

Sa ulat kay BI Commissioner Jaime Morente ni BI Travel Control and Enforcement Unit Officers na sina Clarissa Bartolome at Kristan Balanquit, ang apat na hindi pinangalanang mga OFWs alinsunod sa anti-trafficking laws, ay tinangkang sumakay ng Qatar Airways flight patungong Doha upang magtrabaho bilang mga household service workers (HSWs).

Ang mga biktima na pawang nagmula sa katimugan na bahagi ng bansa ay ipinasa sa primary inspection officers para sila ma-assess nang napunang hindi tugma ang kanilang mga salaysay.

The officers noted that the four gave highly inconsistent statements about their age and were unable to provide basic details about themselves,” ayon kay Morente.

Ayon sa tanggapan, ang minimum age na itinakda ng pamahalaan upang makapagtrabaho ang isang HSW sa Middle East ay 24 anyos.

Many trafficking victims are given fraudulently acquired documents to make them appear older than they really are for them to qualify to work abroad,” ayon Morente.  “These policies are in place to protect them from harm. This is a form of human trafficking, and their victims are often minors and underaged women,” dagdag pa nito.

Ang mga biktima ay inilipat sa Clark International Airport Inter-Agency Council Against Trafficking upang matulungang magsampa ng reklamo laban sa kanilang recruiters.

(PHOTO CREDIT: pna.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: