Posibleng gamitin na rin ang mga malalaking simbahan para maging vaccination sites sa Maynila.
Ito ang inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasabay ng isinagawang simulation exercise para sa COVID-19 vaccination ng pamahalaang lungsod.
Katunayan, ayon sa alkalde ay mismong si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator at Auxiliary Bishop of Manila Broderick Pabillo ang lumapit sa kanya para ialok na magamit ang malalaking simbahan sa lungsod bilang vaccination site.
Sa ngayon ay nagkaroon pa ng pagpupulong ang Manila LGU at ang simbahan ngunit tiniyak ng alkalde na tutulong ang simbahan para sa karagdagang vaccination sites na kanilang pinaplano.