ANG mga senior citizen o nakatatanda ang “best candidates” para sa bakuna kontra COVID-19.
Ito ang sinabi ni University of the Philippines-National Health Institute on Aging (UP-NHIA) Director Dr. Shelley Dela Vega sa kanyang pagharap sa Kapihan Session ng Department of Health (DOH).
Paliwanag ni Dela Vega, ang mga nakatatanda ang “best candidates” para sa COVID-19 vaccine basta’t matiyak na ang mga bakuna ay aprubado, napatunayang epektibo at mayroong “published” na detalye o clinical trials.
Kahit nga rin aniya ang mga senior citizen na may hypertension, diabetes, kidney problem at matataba o sobra sa timbang ay mas lalong kailangan ng bakuna.
Dagdag nito, ang mga may dementia ay dapat din na mabakunahan.
Basta’t kailangan lamang na magpa-check-up ang mga nakatatanda sa mga doktor, makipag-usap sa mga pamilya kung papayag na magpabakuna.
Ayon pa kay Dr. Dela Vega, kung ang mga nakatatanda nga ay nagpapaturok ng flu o pneumonia vaccines, mas lalong kailangan nila na magpabakuna ng COVID-19 vaccine.
Giit ng doktor, mas matinding kalaban ang COVID-19 sa kasalukuyan kaya hindi dapat matakot ang mga nakatatanda na magpabakuna.
Natanong naman si Dela Vega kung uubra ang bakuna ng Sinovac na CoronaVac sa mga senior citizen at naging tugon nito ay ginagamit na rin ang nasabing bakuna sa mga nakatatanda sa ibang mga bansa at maganda naman ang resulta nito sa kanila