Mga residente na nabagsakan ng crane at bakal sa NLEX-SLEX project, tutulungan ng DMCI

Share this information:

NANGAKO ang DMCI, ang contractor ng NLEX-SLEX connector project, na tutulungan ang mga residente na nabagsakan ng crane at mga bakal sa Barangay 203, Tondo, Maynila.

Ito ang kinumpirma ni Manila Mayor Honey Lacuna at sinabi na ito ang pangako ng DMCI dahil kinausap na rin aniya ang mga pamilyang naapektuhan.

Ayon kay Lacuna, sa kabutihang-palad ay walang nasaktan sa nangyari.

Dadalhin sa isang hotel (sa Caloocan) ang dalawang pamilya o nasa walong indibidwal na umuupa sa bahay na nabagsakan ng crane at mga bakal.

Dagdag ni Mayor Lacuna, may commitment ang DMCI na sa loob ng tatlong araw ay magagawa na ang bubong ng bahay na nasira.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.