NAKAPAGTATALA pa rin ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ang mga rehiyon sa labas ng National Capital Region.
Tinukoy ni Dr. Alethea de Guzman ng DOH Epidemiology Bureau, na sa pinakahuling datos ay ang Region 1 at Region 4B ang mahigpit na binabantayan dahil sa mabilis na pagdami ng mga kaso.
Sa Visayas, tinukoy ni de Guzman ang pagtaas ng COVID-19 cases sa Regions 7 at 8 pero mas mabilis at maraming kaso sa Region 6.
Sa Mindanao, ang lahat aniya ng rehiyon ay pataas ang mga kaso partikular na sa Regions 9 at 10 na maraming naitalang COVID-19 infections.
Samantala, sinabi ni de Guzman na bumababa ang daily average ng mga naitatalang nasawi dahil sa COVID-19 na umaabot sa 64 kada araw o 1,538 deaths para sa buwan ng Mayo.
Mas mababa na umano iyan sa naging peak nuong Agosto ng nakaraang taon.