Breaking News

Share this information:

UMABOT na sa kabuuang 104 ang bilang ng mga healthcare workers na namatay matapos na dapuan ng COVID-19.

Batay sa pinakahuling COVID-19 situation report ng Department of Health (DOH), nabatid na hanggang nitong Setyembre 13, 2021 lamang, nasa 24,284 healthcare workers na ang naitala nilang nagpositibo sa COVID-19.

Sa naturang bilang ay 104 ang sinawimpalad na bawian ng buhay, o 0.4 percent ng total infected healthcare workers.

Samantala, 98.1 percent naman o 23,814 sa mga nagkasakit na healthcare workers ang nakarekober na mula sa karamdaman habang 1.4 percent pa o 366 ang nananatiling infected o mga aktibong kaso pa rin.

Sa active cases, nabatid na 221 ang mild cases, 95 ang asymptomatic, 20 ang moderate, 21 ang severe habang siyam ang nasa kritikal na kondisyon.

Base sa COVID-19 update na inilabas ngayong Miyerkules ng hapon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng kabuuang 2,283,011 na mga kaso ng COVID-19.

Sa naturang bilang, 170,446 pa ang aktibong kaso, 2,076,823 ang nakarekober na, at 35,742 naman ang binawian ng buhay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: