Mga public school teacher sa Maynila, nabakunahan na

Nabakunahan na rin ang mga pampublikong guro sa lungsod ng Maynila kontra COVID-19.

Isinagawa ang pagbabakuna sa mga guro sa Palacio de Manila.

Sila ay kabilang sa kategoryang A2 (senior citizens) at A3 (persons with comorbidities) groups.

Sa pinakahuling datos ngayong tanghali, nasa 187 na ang naturukan ng Sinovac.

Mahigpit namang tumatalima sa health protocol ang mga nagpabakuna, kung saan namahagi rin ng libreng face mask ang Manila Youth Development and Welfare Bureau (MYDWB) sa mga nagpabakunang public school teachers na pawang mga nasa ilalim ng Division of City Schools ng Maynila.

Muli namang hinikayat ni Manila Mayor Francisco Domagoso ang mga indibidwal na kabilang sa mga nasabing sektor na magpabakuna na dahil ito ay karagdagang proteksyon laban sa sakit.

Hinikayat din nito na magparehistro sa http://www.manilacovid19vaccine.ph ang mga hindi pa nakapagpa-rehistro.

Sa mga nais namang magpabakuna na nakarehistro online ay dalhin lamang ang kanilang waiver form o QR code sa vaccination site.

Batay sa pinakahuling datos, nasa mahigit 68,000 na ang nabakunahan kontra COVID-19 sa lungsod ng Maynila na kabilang sa kategoryang A1, A2, at A3.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.