Mga public school students, tumanggap ng ayuda mula sa Manila LGU

Share this information:

NASA 935 public school students ang nagbenepisyo sa cash assistance na ipinamahagi ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila nitong Martes.

Ang cash assistance ay ang ikalawang batch sa ilalim ng Educational Assistance Program (EAP) na naipamahagi sa koordinasyon ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa San Andres Complex, Maynila.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang mga benipisyaryo ay binubuo ng Grade 1 hanggang Senior High School public school students mula Baseco at sa una hanggang ikalimang distrito sa lungsod.

Bawat mag-aaral ay nakatanggap ng P5,000, na layong makatulong sa gastusin sa kanilang pag-aaral.

Pinaalalahanan naman ng lungsod ang mga magulang ng mga estudyante na gamitin ang cash aid para sa pag-aaral ng kanilang mga anak at hindi para sa pagbabayad ng mga utang.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.