Mga pribadong ospital, nakahanda sa bagong subvariants

Share this information:

NAKAHANDA ang mga pribadong ospital sa bansa kasunod ng pagsulpot ng bagong Omicron. BQ.1 subvariant sa bansa, ayon sa isang health expert.

Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) President Dr. Jose Rene de Grano, pareho pa rin ang paghahanda na ginagawa ng iba’t-ibang ospital para sa kahit na anong subvariants.

Noong Biyernes, Nobyembre 25, kinumpirma ng Department of Health (DOH) na 14 na kaso ng BQ.1 ang natuklasan sa bansa.

Sa naturang bagong natukoy na impeksyon, 13 ang local case na naitala sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Cordillera Administrative Region, at  Ilocos Region.

Sinabi ng eksperto na walang dapat ikabahala hanggat ang sintomas ay mild at most moderate.

Pero kapag dumami aniya at kailangan i-ospital ang pasyente tulad noong nakaraang mga pagsirit ng kaso, ang magiging problema lamang ayon kay de Grano ay ang kakulangan ng health workers lalo na sa mga nurse.

Samantala, ayon kay de Grano, ang COVID-19 admissions sa bansa ay nananatiling  “manageable” at “low” dahil ang health care utilization ay nananatiling nasa “low risk.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.