Mga pekeng kinatawan

Share this information:

SA umiiral na sistema ng gobyerno, may tatlong sangay ang pamahalaan – ang ehekutibo, lehislatura at hudikatura.

Sa tatlong ito, higit na diskumpiyado ang publiko sa lehislatura, partikular sa Kamara kung saan nagkalat ang mga pekeng kinatawan ng mga sektor na kanilang ibinabandera.

Nang gawing batas ang paghahalal ng mga kinatawan sa ilalim ng party-list system, binibigyang-tinig ang iba’t-ibang sektor ng lipunang tila napag-iiwanan, kung hindi man nakakaligtaan, ng pamahalaan.

Ang siste, naging daan lamang ang party-list system ng ilang mapagsamantala, mga naghahangad na pabagsakin ang gobyerno at maging ang administrasyong target na kontrolin ang Kamara.

Ilan nga ba sa mga party-list representatives ang tunay na naninindigan sa sektor na kanilang kinakatawan?

Sa hanay ng mga hayok sa pwesto, sukdulang katawanin nila ang sektor na hindi nila kinabibilangan. May mga sectoral representatives na kumakatawan sa guwardiya, guro, media, obrero, kababaihan, maralita, artista, may kapansanan, magsasaka, senior citizens, kontra-komunista, galit sa droga, at iba pang sektor na malayo naman sa kanilang mga linya.

Kung mayroong dapat bantayan ang Commission on Elections (Comelec), ito ay ang party-list system na sinasamantala, kung hindi man pinaglalaruan, ng mga may perang hangad lang ay matawag na kongresista.

Kamakailan lamang, inihayag ng isang opisyal ng Comelec ang ginawang pagtapyas sa halos kalahati ng talaan ng mga party-list groups na nag-aasam lumahok sa 2022 general elections.

Sa isang social media post ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, hayagan nitong sinabing 126 party-list groups na nagsumite ng aplikasyon ang hindi pinagbigyan lumahok pagsapit ng Mayo ng susunod na taon.

Sa tala ng Comelec, 270 party-list groups ang naghain ng kanilang Certificates of Nomination and Acceptance (CONA) mula Oktubre 1 hanggang 8, kasabay ang mga aspirante para sa iba’t-ibang national elective posts.

Subalit anong mga party-list groups nga ba ang kanilang inetsa-pwera sa susunod na halalan?

Baka naman pawang mga party-list group lamang na kaalyado ng administrasyon ang kanilang pinayagan at hindi ang tunay na “marginalized sector” na dapat sana’y binibigyang-tinig sa Kongreso batay sa adhikain ng batas na lumikha ng party-list system.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

New COVID-19 infections today went up slightly to 1,485 today

Fri Nov 19 , 2021
THE Department of Health (DOH) logged only 1,485 new COVID-19 infections today, slightly higher than yesterday’s 1,297, according to the DOH COVID-19 Case Bulletin issued today, November 19, 2021. This brings the total number of COVID-19 infections in the country to 2,823,210 cases. Active cases, on the other hand, were […]
%d bloggers like this: