Mga pasimuno ng kaguluhan sa vaxx sites sa Maynila, tukoy na

INIHAYAG ng pamahalaang lungsod ng Maynila na natukoy na nila ang mga “persons of interest” na maaaring nagtulak sa grupo ng mga tao sa magtungo sa Maynila upang maghasik ng kaguluhan sa mga vaccination sites nitong Miyerkules.

Sa kanyang Facebook Live, sinabi ni Manila Mayor Francisco Domagoso na namonitor na nila ang ilang van at bus na nagbababa ng mga tao malapit sa SM San Lazaro noong Agosto 5 ganap na ala una o alas dos ng madaling araw.

Aniya, nakita sa CCTV ang mga mukha at ngayon ay iniimbestigahan na ang mga nagpasimuno ng crowd.

Alam mo naman sa Maynila, maraming CCTV so may nakita kaming mga suspected individual,” ayon sa alkalde.

Dagdag ni Domagoso, ang mga taong iniimbestigahan ay natuklasang walang QR codes, na isang requirment sa lungsod para sa pagpapabakuna.

Paano sila nakapunta dito? Kung taga-Maynila sila, alam nila kailangan dito may sistema,” pagtataka pa ng alkalde.

Una nang sinabi ng alkalde na maaaring konektado ang tangkang pag-hack sa vaccination website ng lungsod sa pagbuhos ng mga tao sa pila sa mga vaccination sites nitong Miyerkules ng umaga.

Ang insidente ay nangyari isang araw bago ang iskedyul ng paglipat ni Domagoso sa Aksyon Demokratiko.

Hindi naman binanggit ng alkalde ang mga natukoy na persons of interest dahil kailangan nitong matiyak bago ito mag-akusa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.