Mga pasahero ng barko na sumadsad sa Romblon, nailigtas ng PCG

Share this information:

NASA kabuuang 168 na mga pasahero ng isang barko na sumadsad sa karagatang sakop ng Romblon ang nasagip kamakailan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Kasama sa mga nailigtas ng PCG ang 55 miyembro ng crew ng MV SWM Salve Regina at 11 rolling cargoes matapos sumadsad ang nasabing barko sa Sito Agbuyog, Barangay Capaclan, Romblon, Romblon dakong alas 11:45 ng gabi kahapon, araw ng Linggo.

Umalis ang barko mula sa Magdiwang Port sa Romblon at patungo sana ito ng Romblon, Romblon, ayon sa PCG.

Matapos malaman na may sumadsad na barko, nakipag-ugnayan ang Coast Guard Station Romblon sa mga lokal na awtoridad para ilunsad ang ligtas na paglikas ng mga pasahero na sinasabing lahat ay nasa mabuting pisikal na kondisyon.

All 168 passengers were safely brought to Romblon Public Plaza, while the 55 crew members, including the master of the ship, stayed at MV SWM REGINA for vessel monitoring,” sabi ng  PCG.

Wala namang ipinapakitang palatandaan ng oil spill sa ngayon ang sumadsad na passenger vessel.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.