Mga pasahero ng bangka sa Antique, sinaklolohan ng Coast Guard

NA-RESCUE ng mga rumespondeng tauhan ng  Philippine Coast Guard (PCG) ang 14 na pasahero ng bangkang nasiraan habang naglalayag sa katubigan ng Caluya, Antique, partikular sa gitna ng Sibolo Island. 

Ayon sa PCG, papuntang Barangay Dawis Caluya ang MBCA Frince Zoey mula Liwagao Island nang  makaranas ng engine trouble.

Agad na sumaklolo ang joint search and rescue (SAR) team ng PCG Sub-Station Semirara at PCG Sub-Station Caluya, katuwang ang Philippine National Police (PNP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at Disaster Response Team (DRT) ng Semirara, para masiguro ang kaligtasan at matiwasay na pag-uwi ng mga pasahero.

Nasa maayos namang kondisyon ang nasabing mga pasahero.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.