Mga pamilya sa coastal area ng Tondo, inilikas dahil sa malalakas na hampas ng alon

DAHIL sa malalakas na hampas ng alon dulot ng bagyong Kristine, napilitang ilikas ang mahigit 900 pamilya na nakatira sa mga coastal area sa Tondo.

Partikular na inilikas ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Maynila ang mga residente mula sa Isla Puting Bato, Baseco at Parola Compound, na sa ngayon ay pansamantalang nakasilong sa Delpan Sports Complex.

Agad naman namahagi ang City Social Welfare and Development Office ng relief goods at gamot sa mga evacuee.

Personal na ring umikot at binisita ni Manila Mayor Honey Lacuna ang evacuation center upang makita ang sitwasyon ng mga residente.

Ayon kay Lacuna, kapag gumanda na ang panahon ay agad ding ibabalik sa kani-kanilang tahanan ang mga evacuee.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.