Mga nasawi sa bagyong Ulysses, nasa 69 na

PUMALO na ngayon sa 69 ang kumpirmadong nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses sa Luzon.

Nabatid ito mula kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director at Office of Civil Defense Administrator Undersecretary Ricardo Jalad.

Mula sa Cagayan Valley Region, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, Cordillera Administrative Region (CAR), at National Capital Region (NCR) ang mga namatay sa kalamidad.

Samantala, iniulat din ni Mark Timbal, tagapagsalita ng NDRRMC, na mayruon pang 12 residente ang nawawala kung saan ay walo ay sa Bicol Region, tatlo sa NCR at isa sa CALABARZON.

Aabot naman sa 21 indibidwal ang nasugatan dahil sa bagyong Ulysses kung saan ay 9 ang mula sa CALABARZON, walo sa Bicol Region, tatlo sa Central Luzon at isa sa CAR.

(Photo Credit: Philippine Coast Guard)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.