Mga nasawi sa bagyong Paeng, umakyat pa ng 156 — NDRRMC

Share this information:

UMAABOT na ngayon sa 156 ang kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng bagyong Paeng sa bansa.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), maliban sa mga namatay sa bagyo ay mayroon pang 37 ang iniulat na nawawala. Aabot naman sa 141 ang nasugatan sa kalamidad.

Samantala, pumalo na sa P4.3 bilyon ang pinsala sa imprastruktura ng bagyong Paeng na ang pinakamalaki ay naitala sa CALABARZON, sumunod ang MIMAROPA, at Bicol Region.

Nasa P3.16 bilyon naman ang nasira sa sektor ng agrikultura partikular na sa Central Luzon, CALABARZON, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Bangsamoro Region, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Bagamat nakalabas na ng Pilipinas, mayroon pa ring 954 indibidwal ang nananatili sa mga evacuation center.

Sa ngayon ay apat na rehiyon sa bansa ang isinailalim sa state of calamity sa loob ng anim na buwan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.