NASA kabuuang 230,357 na ang mga kabataan na kabilang sa pediatric group ang nabakunahan na ng COVID-19 vaccine, ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ni DOH spokesperson at Usec. Maria Rosario Vergeire na mula sa nasabing bilang ay nasa point 10 (0.10) percent lamang ang iniulat na nakaranas ng adverse events following immunization (AEFI), mula sa ulat hg National Vaccine Operations Center.
Ang top 3 na kadalasang iniuulat na inaasahang pansamantalang reaksyon matapos mabakunahan ay ang side pain o pananakit sa bahagi ng tinurukan, masakit ang ulo o kaya ay nahihilo.
Mayroon ding mga kabataan na nabakunahan na nagkaroon ng anxiety-related symptoms ngunit pagkatapos mahimasmasan ay nawala na rin.
Dagdag pa ni Vergeire, lahat ng kaso ng adverse reaction ay napamahalaan, natugunan at lahat ng kabataan ay napauwi rin pagkatapos ng pagbabakuna.