Mga Muslim groups, nanawagan ng extension para sa BTA

Share this information:

Nanawagan kamakailan ang iba’t-ibang grupo mula sa Mindanao na palawigin pa ang Bangsamoro Transition Authority o BTA.

Kasabay nito, nagsagawa naman ng isang prayer rally sa golden mosque sa Quiapo ang Bangsamoro People’s Coalition .

Ayon kay Dr. Jolly Lais, tagapagsalita ng coalition ,malaki ang naging epekto mg pandemya sa trabaho ng BTA kaya dapat aniyang habaan ang termino nito hanggang 2025 o tatlong taon pa.

Nanawagan din ang grupo sa dalawang kapulungan ng Kongreso na madaliin ang pag-amyenda sa batas na mag uurong sa eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa 2025.

Hiniling din ng grupo ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing panukala sa pamamagitan ng pag-certify dito bilang urgent.

Ayon pa sa grupo, layon lang anila na magtagumpay ang legacy  ng pangulo para sa kapayapaan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

CALAX subsections to Silang, Cavite in full swing

Fri Mar 12 , 2021
CALAMBA CITY, Laguna – THE Department of Public Works and Highways (DPWH) and MPCALA Holdings Inc Executives, conducted an ocular inspection to 83% construction progress on the new Subsection 5 of Cavite-Laguna Expressway (CALAX). According to DPWH Sec.Mark Villar, it is targeted to open to motorists by 3rd quarter of […]

Follow Us

%d bloggers like this: