‘Adverse effects’ naranasan ng mahigit 900 nabakunahan ng COVID-19 vaccine

NAKARANAS ng adverse effects ang nasa 978 na vaccines na nabakunahan ng Covid-19 vaccine.

Ang nasabing bilang ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa media forum ay mga datos hanggang nitong March 9 dahil hindi naman aniya araw-araw ay up to date ang naitatala.

Sa bilang na ito, 892 ay dahil sa Coronavac o Sinovac kung saan 872 rito ay non serious.

Ang 20 iba pa ay nakaranas naman ng serious adverse events.

Sa AstraZeneca naman aniya ay 86 ang nakaranas ng adverse effects kung saan mula sa nasabing bilang nasa 85 ang non-serious adverse effects habang isa (1) lamang ang nakaranas ng seryosong epekto ng bakuna.

Sa kabila nito, sinabi ni Vergeire na manageable naman ang sitwasyon at agad itong natutugunan.

Ang karaniwan na common adverse events na tinuturing na minor o hindi seryosong adverse events   ay muscle pain, pananakit o pagkirot sa injection sides, lagnat, pagtaas ng presyon, rashes.

Gayunman kapag nabigyan na umano ng gamot ay bumubuti na rin ang pakiramdam at sila ay napapauwi na rin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.