Mga malnourished na bata sa Maynila, makakatanggap ng masustansiyang pagkain

NAIPASA na ng Sangguniang Panglungsod ng lungsod ng Maynila ang isang ordinansa na naglalayong mabigyan ng masustansiyang pagkain ang mga malnourished na bata sa lungsod.

Layon ng ordinansa na masolusyunan ang malnutrisyon sa mga kabataan sa lungsod kung saan ay bibigyan sila ng masustansiyang pagkain.

Ang ordinansa, na itinuturing na “localized version” ng Republic Act 11037 o ang “Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act” ayon kay Vice Mayor Yul Servo, ay naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa regular session nitong Mayo 25, 2023.

Sinabi ng bise alkalde na tatawagin ang ordinansa na “Masustansyang Pagkain para sa Batang Maynila Ordinance,” na magtatag ng Manila City Local Feeding Program sa mga daycare centers at pampublikong paaralan.

Magbibigay ng “fortified daily meals” sa mga bata sa loob ng 120 araw o hi­git pa sa isang taon.  

Most children eat just to satisfy their hunger, without proper regard to their food’s nutritional value,” paliwanag ni 4th District Councilor Louisito “Doc Louie” Chua, ang principal author ng ordinansa.

Ang programa ay popondohan ng  Special Education Fund at ipatutupad ng Manila Department of Social Welfare at may koordinasyon sa City Health Department at pambansang mga ahensya.

Ibinahagi naman ni Servo ang kaniyang sariling karanasan nang tumanggap din siya noong bata pa ng nutribun at gatas nang siya ay nasa elementarya pa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.