Mga magulang na pabaya sa mga anak, kakasuhan ng MPD

NAGBANTA si Manila Police District (MPD) Director Police Brig. General Leo Francisco na kakasuhan ang mga magulang na hinahayaang lumabas ang kanilang mga anak sa kabila ng mahigpit na pagbabawal sa mga bata na edad 15 anyos ngayong panahon ng curfew at lockdown.

Sinabi ni Francisco na mayroon city ordinance na nagtatakda ng karampatang parusa sa mga magulang na pabaya sa kanilang mga anak.

Mahigpit ang utos ni Manila Mayor Isko Moreno na bawal lumabas ng bahay ang mga bata at senior citizens na may edad 65 pataas bunsod na din ng pagtaas ng kaso ng covid cases.

Nitong Lunes ay nasampolan ang ilang bata na  nakakalat sa labas at hinuli sila ng ilang barangay officials at pulis at dinala sa covered court ng Barangay 351.

Sa kabila kasi ng paulit ulit na paalala ng mga awtoridad ay may ilan pa ring kabataan na mga pasaway kaya para kay Francisco, napapanahon na upang  kasuhan ang mga pabayang magulang.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.