Mga lumabag sa quarantine sa Metro Manila, nasa 45,592 na — PNP

Share this information:

UMABOT na sa 45,592 ang bilang ng mga quarantine violator sa Metro Manila mula nang ipatupad ang Alert Level System.

Ang bilang ng mga lumabag ay batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) mula Oktubre 16 hanggang Oktubre 20, 2021.

Ayon sa PNP, 25,548 o 56 percent ng mga lumabag ang nabigyan ng babala.

Nasa 16,468 naman o 36 percent ang napagmulta at 3,576 naman o 8 percent ang binigyan ng ibang parusa.

Kasama sa mga paglabag na ginawa ay ang paglabag sa health protocol tulad ng mass gathering at hindi pagsunod sa umiiral na oras ng curfew.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Fuel subsidy para sa mga tsuper sa halip na taas pasahe -- LTFRB

Thu Oct 21 , 2021
SA halip na taas pasahe, mabuti pa kung fuel subsidy na lamang ang ibigay sa mga tsuper ng pampublikong transportasyon. Ito ang tugon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB kaugnay ng walang puknat na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo nitong mga huling araw. Ayon kay […]
%d bloggers like this: