Fuel subsidy para sa mga tsuper sa halip na taas pasahe — LTFRB

Share this information:

SA halip na taas pasahe, mabuti pa kung fuel subsidy na lamang ang ibigay sa mga tsuper ng pampublikong transportasyon.

Ito ang tugon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB kaugnay ng walang puknat na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo nitong mga huling araw.

Ayon kay Director Kristina Cassion, Executive Director ng LTFRB, naiintindihan nila ang pinagdaraanan ng mga tsuper.

Subalit pinahahalagahan din naman umano nila ang sitwasyon ng mga pasahero na siyang lubhang maaapektuhan kung magpapatupad ng taas pasahe.

Sa ngayon, sinabi ni Cassion na inihahanda na umano ng pamahalaan ang fuel subsidy para sa mga tsuper.

       

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.