MATAPOS ang ipinatupad na bawas-presyo, magtataas na naman ang mga kumpanya ng langis sa halaga ng kanilang mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa impormasyon mula sa oil industry, aabot sa P0.60 hanggang P0.70 kada litro ang dagdag sa presyo ng gasolina.
Nasa P0.10 hanggang P0.15 bawat litro naman ang itataas sa diesel habang P0.50 hanggang P0.60 kada litro sa kerosene.
Ang inaasahang oil price adjustments ay bunsod umano ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.