Mag-live in sa Quezon City, timbog sa illegal online gaming

Share this information:

ARESTADO ang maglive-in partner na isinasangkot sa isang ilegal na online gaming operation sa Brgy. Tandang Sora, Quezon City, Biyernes ng gabi.

Una rito, inireklamo umano ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mag-asawa dahil sa ilegal nilang operasyon ng online gaming.

Ilang linggo na minanmanan ng mga awtoridad ang dalawa at nakumpirma ang ilegal na aktibidad sa kanilang bahay.

Ayon sa pulisya, tinawag na “Ate Girl Pabingo” ang laro na iniaalok ng mga suspek na nag-ooperate tuwing gabi.

Nasa P20 umano ang halaga ng bingo card at umano’y maliit ang tsansa na manalo ng P50,000 haggang P100,000 na jackpot price.

Sinabi pa ng mga awtoridad na kumikita ang mga suspek ng P100,000 kada gabi dahil sa naturang pasugalan.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Cybercrime Law.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.