Mga kasapi ng CTAP, nagsagawa ng caravan bilang pakikiisa sa truck holiday

NAGSAGAWA ng caravan ang mga kasapi ng Confederation  of Truckers Association of the Philippines (CTAP) ngayong umaga ng Martes bilang bahagi ng patuloy nilang truck holiday o truck rest day.

Mula sa Club Intramuros kung saan nagtipon-tipon ang mga divers ng mga trucker at grupo ng CTAP, umikot ang caravan sa ICTSI o International Container Terminal Services Inc. ngunit hinarang at hindi naman sila pinapasok.

Dumaan din sa labas ng mga tanggapan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang grupo at posible rin umanong umabot sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City.

Ayon kay Atty. Ryan Esponilla, dapat sana ay naagapan bago pa pumutok ang isyung ito dahil mahirap ang magpatakbo ng truck at mag-operate.

Giit ni Atty.Esponilla, dapat ang gobyerno ay nagtake-charge na dahil yung operation ng mga truck ngayon  ay napakamahal, madaming bayarin ang mga operator sa pagsauli ng empty containers, gayundin sa pakikipag-transaksiyon sa pier ay marami ring gastusin.

Dagdag pa nito, ang napakamahal na bayarin ng mga kasaping truck operators ay magiging pasanin at mararamdaman din ng bawat Filipino  sa presyo ng  basic commodities.

“Kaya dapat yung government, hindi pa naman sana kami umabot sa ganito dapat nagtake-charge na yung government para pakialaman ang isyung ito,” wika pa ni Atty. Esponbilla na siya ring general manager ng CTAP dahil hanggang ngayon ay bigo pa rin ang PPA na tugunan ang kanilang hinaing.

Paliwanag nito na kasama ang mga drivers ng mga trucking sa caravan dahil sila ang higit na nahihirapan sa mabagal na operasyon sa mga pantalan na nakakaapekto sa bilis ng pagkuha at paghahatid ng mga produkto at ang paghahatid ng mga empty containers.

Binigyang-diin din nito na sila ay nagpakita na sa kalsada upang ipahayag na itong industriyang ito ang hindi masyadong nararamdaman at binibigyan ng pansin ng gobyerno at hindi nakikita na itong industriya na ito ay siyang may bitbit ng ekonomiya ng bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.