Mga kandidatong nagparehistro ng kanilang social media account sa Comelec, nadagdagan pa

SINABI ng Commission on Elections (Comelec) na nadagdagan pa ang bilang ng mga kandidatong nagparehistro ng kanilang mga social media account para sa 2025 national and local elections (NLE).

Ayon sa Comelec, umabot na sa kabuuang 5,195 ang mga kandidato na nagparehistro ng kanilang social media account sa poll body. Kabilang dito ang 32 kandidato sa pagkasenador, 5,028 para sa mga local aspirant, at 135 naman para sa mga party-list group, organization, at coalition nitong Lunes ng hapon, Disyembre 9.

Nagsumite rin ng mga hard copy ng kanilang mga dokumento ang 2,709 aspirant sa poll body. Hindi kasama rito ang 53 pribadong indibidwal na nagpadala ng hard copy ng mga dokumento bago ang promulgation ng Comelec Resolution No. 11064-A.

Sinabi ng Comelec na hanggang Disyembre 13, 2024 na lamang ang pagpaparehistro ng mga online campaign platform.

Una na ring binigyang-diin ng poll body na dapat  makumpleto sa loob ng 30 araw pagkatapos ng paghahain ng mga sertipiko ng kandidatura o hanggang Disyembre 13, 2024.

Susuriin ng election task force  ang lahat ng aplikasyon bago i-endorso ang mga ito para sa pag-apruba o pagtanggi sa Commission en banc.

Ilalathala naman sa opisyal na website ng Comelec at mga social media page nito ang mga aprubadong pagpaparehistro.

Kamakailan ay inamyenda ng Comelec ang resolusyon na nag-exempt sa mga pribadong pag-aari na account na nag-eendorso sa mga kandidato sa mandatoryong pagpaparehistro.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.