Mga hacker, sinalakay ang vaccination website ng Maynila

INATAKE ng mga hacker ang website ng online pre-registration ng pamahalaang lungsod ng Maynila para sa vaccination, gabi bago maganap ang pagbuhos ng mga tao na nais magpabakuna sa mga vaccination mall sites kahapon.

Umabot sa 133 beses ang tangka na i-hack ang vaccination website ng lungsod, ngunit nabigo umano ang mga ito bago pa man naganap ang pagdagsa ng mga nais magpabakuna sa SM San Lazaro kahapon ng madaling araw.

“Maybe it’s a coincidence, because the night before the chaotic situation in SM San Lazaro, our website was attacked 133 times by hackers but fortunately, with the help of some technological protection in protecting the data ng taumbayan, they (hackers) failed,” ani Manila Mayor Francisco Domagoso.

Nalaman din na may mga dumating na mga bus at van na puno ng tao na nagmula sa labas ng Maynila at nagtungo sa nasabing vaccination site.

Napag-alaman din na libo-libo ang pinapadalang requests sa pagitan ng gabi ng Miyerkules ang mga hacker.

Sinabi ng alkalde na ang ginagawa ng mga hacker na ino-overload ang registration gamit ang 150 na iba’t-ibang IP address sa loob ng isang minuto upang ma-clog ang registration at mag-down ito. Sa pagitan ng 8-10 pm ginagawa ang pambubugbog sa system.

“Within the PH yung pinanggagalingan ng attacks, since nakita na certain brand yung line na gamit niya (PLDT). One IP address pero libo-libo yung request. Isang barangay, isang WiFi gamit, tapos sabay-sabay ang pagregister na ginagawa.” 

“133 times ang atake na ginawa, gabi pero hindi sila nagtagumpay dahil ginawa na rin nila sa akin yan about 2 months ago nung bumubulusok numero ng nababakunahan sa Maynila. Hindi ba nila ikinalulugod kapag maraming binabakunahan, hindi ba dapat ikalugod nila dahil ‘yun ay proteksyong naibigay sa tao?’ pahayag pa ni Moreno sa isang panayam na ibinahagi ng Manila Public Information Office.

(PHOTO CREDIT: theguardian.com)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.