Mga bagong kaso ng Delta variant, nadagdagan ng 119

Share this information:

INIULAT ngayon ng Department of Health (DOH), University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) na mayroong naiulat na 119 bagong kaso ng Delta variant na natukoy sa whole genome sequencing ng mga sample.

Mayroon ding 125 kaso ng karagdagang Alpha variant, 94 kaso ng Beta variant, at 11 P.3 variant cases.

Sa Delta cases, 93 ang local cases at 20 ang Returning Overseas Filipinos (ROFs) habang ang iba ay biniberipika pa.

Ayon sa DOH, ang Delta variant ay na-detect na sa lahat ng 17 syudad at munisipalidad sa National Capital Region (NCR).

Ang kabuuang bilang ngayon ng Delta variant sa bansa ay nasa 450 na.

Local cases din ang 115 Alpha variant, ROFs ang 6 at biniberipika pa ang apat  kung saan nasa kabuuang 2,093 na ang mga kaso sa bansa.

Samantala, 89 ang local case sa Beta variant at tatlo ang ROFs at may dalawang biniberipika kaya umabot na sa kabuuang 2,362.

Pawang mga local case naman ang karagdahang P.3 variant na na-tag na bilang recovered .

Sa ngayon, nakapag-sequence na ang UP-PGC ng kabuuang 10,473 samples.

Sa patuloy na pagtukoy ng mga  kaso ng variant sa bansa, nagpaalala ang DOH sa publiko na huwag magpa-kampante at manatiling sumusunod sa minimum public health standards at magpabakuna.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.