Mga guro na sasabak sa eleksyon, ililibre sa buwis

Share this information:

APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na naglalayong ilibre sa buwis ang lahat ng kompensasyon ng mga guro at iba pang magsisilbi sa national at local elections.

Sa botong 202 na pabor at walang tumutol, lusot na ang House Bill 9652 na nag-aamyenda sa National Internal Revenue Code of 1997 upang hindi maisama sa computation ng gross income ang election-related honoraria at allowances.

Sakaling maging ganap na batas, exempted na sa buwis ang honoraria, travel allowance at iba pang benepisyong ipinagkakaloob sa mga Board of Election Inspector o BEI at iba pang nagsisilbi sa halalan sa bansa.

Diin ni ACT Teachers partylist Rep. France Castro, ang pangunahing may-akda ng panukala, nararapat at napapanahon nang bigyan ng kaluwagan ang mga guro at iba pang volunteer poll workers na hindi na mabuwisan ang honoraria at allowances.

Kung tutuusin aniya kasi ay kulang pa ang natatanggap ng mga nagtatrabaho tuwing eleksyon dahil sa nagagastos ng mga ito lalo kung napapalawig pa ang kanilang oras pagkatapos ng botohan.

Dagdag ni Castro, dapat na ring rebisahin at taasan ng Commission on Elections o Comelec ang allowances para sa poll servers. Base sa datos ng Comelec, sa eleksyon nuong 2019 ay umabot sa P56.8 milyon ang binayarang buwis para sa mga nagsilbi sa eleksyon…

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.