Mga dayuhang Intsik na nagtatrabaho sa construction site sa Mindanao, inaresto

NASA 37 na mga Chinese national na nagtatrabaho sa isang construction sa Cotabato City ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI).

Umabot sa 37 na mga dayuhang Intsik ang naaresto sa nasabing lungsod, ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado.

Ayon dito, ang mga Chinese national ay nakitang nagtatrabaho sa construction ng isang mall sa bahagi ng nasasakupan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sila ay inaresto sa bisa ng  mission order na inisyu ni  Viado makaraang nakatanggap ng impormasyon mula sa government intelligence sources na ang itinatayong building ay mga dayuhan ang  nagtatrabaho. 

Isinagawa ang operasyon sa pagtutulungan ng Armed Forces of the Philippines, National Bureau of Investigation, at Philippine Army.

Karamihan sa mga naaresto ay may working visa subalit naka-petisyon ito na isang paglabg habang ang iba ay may taglay na tourist visa. 

Nagbabala si Viado sa mga dayuhan na nagtatangkang magtrabaho sa bansa na walang kaukulang working visa o permit.

Lahat ng 37  na mga dayuhan ay nahaharap sa deportasyon at mnanatili sa kustodiya ng BI  habang inaayos ang pagpapabalik sa kanila sa kanilang bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.