GINAWARAN ni President Ferdinand Marcos, Jr. ng parole at executive clemency ang nasa 509 na mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty (PDL) na nakapiit sa New Bilibid Prison.
Ito ay ayon sa Bureau of Correction matapos ianunsiyo ni Secretary Jesus Crispin Remulla ng Department of Justice (DOJ) i ang pagpapalaya sa mga bilanggo, kasabay ng pagdiriwang ng 30th National Correctional Consciousness Week.
Ayon kay Remulla, dahil na rin ito sa pagsisikap ng pamahalaan na mapaluwag ang mga bilangguan sa bansa.
Ang mga palalayain na mga PDL ay naging kwalipikadong mabigyan ng parole at executive clemency dahil sa naipakita nitong kabutihang asal sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance habang nasa loob ng piitan.
Bukod sa pagpapalaya sa kanila, may isasagawa ring job fair ang Bureau of Corrections para sa mga nabigyan ng executive clemency.

