Breaking News

Share this information:

NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhan hinggil sa isang kumpanya na nag-aalok ng pekeng serbisyo sa immigration kapalit ng malaking halaga.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na nakakuha sila ng kopya ng dokumento hinggil sa presyo ng babayaran kapalit ng immigration airport assistance.

This company is allegedly charging P5,000 as Airport Assistance Fee, another P5,000 for processing fee, and P20,000 for a Department of Foreign Affairs (DFA) Invitation Letter,” ayon kay Morente.  “It seems that this company is using the name of government agencies to be able to charge such high rates to its employees,” dagdag pa nito.

Kasabay nito, sinabi ni Morente na hindi sila kumukolekta ng anumang ‘immigration assistance’ fee para sa mg dayuhan.

It is disheartening to see reports of syndicates who are taking advantage of other people by using the name of government offices,” ayon kay Morente.

Matatandaan na nauna nang nagbabala ang kagawaran sa publiko hinggil sa nagpapanggap na mga empeyado ng BI at nag-aalok ng tulong.

Be wary of falling prey to these scammers. Immediately report to the authorities if you encounter such modus,” ayon pa kay Morente.

Pinapag-aralan na ng kagawaran na magsampa ng reklamo laban sa nasabing kumpanya

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: