Mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, pumalo muli sa 2 libo

Share this information:

Unabot muli sa mahigit dalawang libo ang nadagdag na mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa pinakabagong case bulletin ng Department of Health (DOH) ngayong Enero 15, umakyat na sa 496,646 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan ng 2,048 na mga bagong kaso.

Ang mga gunaling naman ay umabot na sa 459,737 makaraang madagdagan ng 551 pang bagong recoveries.

Nasa 137 naman ang bagong mga nadagdag sa mga punanaw, dahilan para maging 9,876 na ang mga namamatay sa sakit.

Bahagyang tumaas muli ang aktibong kaso o yung mga kasalukuyan pang nagpapagaling na nasa 27,033.

Nanguna naman ngayon ang Bulacan sa mga probinsiya at siyudad na may naitalang mataas na kaso ng COVID-19 na mayroong 98.

Hindi pa rin nawawala sa Top 5 ang Davao City na nakapagtala ng 89 kaso ngayong araw. Napasama na rin ang Pangasinan sa nakapagtala ng mataas na kaso na may 84 habang ang Maynila  ay mayroong 80 at 73 sa Leyte.

Sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto.Niño, mahigpit na paalala ng DOH na iwasan ang pagiging pabaya at lalo pang paghusayin ang pagsunod sa health protocol upang malayo sa peligro ng hawahan ng virus.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Salvage victims found in Bulacan

Fri Jan 15 , 2021
Three unidentified persons were found dead along the Plaridel Bypass Road in Barangay Malamig, Bustos, Bulacan on Friday morning. The victims, a male and two females, were handcuffed and bore gunshot wounds in their heads. The blood on their heads and bodies were still fresh when found. Based on the […]

Follow Us

%d bloggers like this: